THE GODS BELONG WITH THE GODS
tuliro sa mga pagkakataon
nakatitig sa mga dahon ng kahapon
naghihinagpis na damdamin
nawalay ka nang di ka pa kapiling
himutok o tuwa
ano nga ba ang maitatatwa
pilit inabot ang kislap ng tala
ngunit ang diyos ay sa dyos din pala maitatala
umiyak ang puso ko
nadurog ang luha na nagsusumamo
ang bituin ay di kailanman tumapak sa lupa
isang kabaliwang pinangarap na maisagawa
sumuntok ako sa buwan
isa lang ang sa akin ay ipinaalam
“kulang pa ang lahat ng yong pinapakita
upang ikaw ay mabigyan ko ng halaga”

Leave a Reply