SA ATING BANSANG MAGULO

sanlakas ng mandirigma
punyal ng isang hiwaga
tinusok sa puso ng diwata
ano ang nagawa?

bayang nilapastangan ng karimlan
hanggang kailan ka maghihimagsikan?
itayo mo man ang bandila ng karunungan
laban sa mga bansang mayayaman,
ano ang yong magagawa?

dagundong sa bawat puso ng pilipino
ang daluyong nang pag-asang tayo ay mamumuno
hindi upang ang ibang bansa ay sa tin magsumamo
ngunit upang sa sariling bansa, tayo ay
magkaisa nang todo

OO totoo ang ating bansa ay magulo
puro pasikat ang bawat tao
pero kahit ano pa ang sabihin nyo
mahal ko ang pilipinas, at ang bawat pilipino

~ by johnhiyoshi on July 12, 2006.

Leave a Reply