UNTITLED

sinubukang magmahal uli
nagbakasaling matatamasa ang isang ngiti
sa isang sandali nakamit ang minimithi
na ang langit at lupa ay naging isang lahi

lahat ng kulay ay naramdaman
akala ko iibig na ko na tuluyan
yun pala meron ka pang pag aalinlangan
at binago mo pati iyong pangalan

kanino nga ba ako nag mahal
sa taong kausap ko ngayon na may pag ibig na bukal
o sa taong tinakpan ang kanyang pagkabanal
nakakalito… pero hunyango nga ba ang pagka asal?

halimuyak ng mga bulaklak
naging isang parang burak
mabuti pang parati akong lasing sa alak
para maging manhid sa pag-ibig na tinatahak

~ by johnhiyoshi on July 20, 2006.

3 Responses to “UNTITLED”

  1. dapat title nito “Sa’n Ba Ako nagkulang”, o kaya “Pagkukunwari”

  2. sino ang nagkunwari? all of us have reasons and maybe kailangan lang mapakinggan

  3. hi jovan… thanks for the reply

    hi anonymous… kung ano man ang reason nya… sa kanya na lang yun :)

Leave a Reply